Apekz
Name: Mark Cadiente
Hometown: Valenzuela
Records: 8-4
Affiliations: Hiphop22
Notable Lines: "Katulad mo lang si Ann Mateo, wala kang talent imahe mo lang ang nagdadala sayo!"
Notable Match: Apekz vs BLKD
Signature Style: Unorthodox Comedy, Offensive Realtalk, Word Play, Multis, Rebuttals,
Mula pa noong mga unang yugto ng Fliptop, maganda na ang karera ng mga laban ni Apekz. Mas lalo pa syang nagpakitang husay sa laban nila ni BLKD. Sabay sila ni BLKD na nag-level up sa battle rap patungo sa intense na delivery, hard hitting jokes, at multis.
Marami syang tumatak na linya tulad ng "Kung si Shehyee may Maria Clara, ikaw may Tandang Sora", "42 times ka pang mag jakol masama yan sa health, habang nag jajakol soundtrip nya all by myself" "wag ka nang bumattle, mag judge ka nalang dun kalang magaling"
Maganda rin ang mga pinakita nyang laban kina Target at Aklas sa kabila ng promo battle. Marami rin syang tumatak na linya tulad ng "amoy mandirigma", "anak ni Sucaldito kay Elizabeth Oropeza".
Mula sa battle rap, tulad din ni Abra ay nag labas ng mga kanta si Apekz na pumatok katulad ng Haring Araw, Arangkada, Mayor de Edad, Peque at iba pa. Dito naging makulay ang kanyang career sa mainstream.
Hindi lang sa Fliptop Battle League namayagpag si Apekz dahil naging champion din sya sa Sunugan Rap Battle League at Bolero Rap Battle.
Pag dating naman sa Fliptop, si Apekz ay kilala sa mga sulat na hindi rektang patama sa kanyang kalaban. Mula sa Ann Mateo lines, hanggang parinigan nila ni Sinio. Ang mga trashtalkan na ito ay umaabot din sa social media.
Inexpose na ni Apoc ang ganto nyang istilo sa paghamon nang kalaban na kanya namang nagagamit para sa patuloy nya pang hype sa Fliptop. Kaya nga hindi na makapag hintay ang mga tao sa Apekz vs Sinio o Apekz vs Shehyee. Pero noon pa man meron na talagang beef sina Apekz at PriceTagg pero hanggang ngayon hindi pa nakasa ang laban at nasapawan na nga nang mga mas malaki pang issue.
Comments
Post a Comment