Abra

Name: Raymond Abracosa
Alias/Title: Makatang Hibang
Hometown: Pasig
Record: 2-6
Affiliations: Artifice Records / LDP / Team Sunday / Konektado
Notable Lines: Bakla, bading, badap beki, tangina ka, pag di mo ako tinigil-tigilan sa gay jokes mo chuchupain kita! -Abra vs Aklas
Notable Match: Abra vs Damsa
Signature Style: Multisyllabic Rhymes / Speed Rap


Overated para sa karamihan lalu na para sa mga kapwa nyang rapper dahil maraming mas magaling sa kanya pag dating sa battle rap pero mas sikat sya kesa sa karamihan ng rapper. 

Sumikat ng husto si Abra mula noong napadikit sya sa pangalan ni Loonie sa unang Dos Por Dos. Naglabasan din ang mga hit-making songs nya tulad ng Gayuma, Cerberus, Ilusyon, Diwata, Bolang Kristal, King Inang Bayan at iba pa. Isa rin itong dahilan kung bakit madaming mga rapper na ayaw kay Abra, sa katotohanang sikat ang mga kanta nito kesa sa kanila.

May husay naman talaga si Abra sa pag rarap. At sa mga kanta nya naman, sya man o hindi ang gumawa hindi na iyon ang mahalaga.

May ichura din si Abra kaya isa rin ito kung bakit pumatok sya sa mainstream. Subalit sa underground, kahinaan ang pagiging mainstream. Sa battle rap, imbis na ikaganda sa career ang pagiging magandang lalaki nya, nagiging angle pa ito para ipang diss sa kanya. 

Sa battle rap meron ding dahilan kung bakit hindi makuha ni Abra ang simpatya ng mga tao. Isa dito ang pag sagot nya sa kalaban kahit hindi pa niya oras. Dito lalo lang natin nahahalata na napipikon sya. Maraming laban sya na makikitaan mo ng ganitong reaksyon na hindi ikinabubuti ng career nya bilang battle rapper. 

Isa pa, ang pag hingi nya ng reaksyon sa crowd pagkatapos ng mga linya nyang sa paniniwalang ito'y malakas. Ilang beses ko din itong na obserbahan sa kanya. Sa Abra vs Damsa marami naman talaga syang matitinding bara dun pero halatang di sya gusto nang crowd kaya wlang reaksyon. Ang masama pa umaasa parin sya dito.

Nabanggit ni Loonie sa ibang mga video nya, dapat wag kang mabinge sa mga palapak para hindi karin umasa kung hindi mabigyan at malala kung makalimutan mo ang susunod mong linya. Stumble - at ganon na nga ang nangyayari kung kaya't marami sa mga laban nya na nawawala syang bigla matapos mag bitaw ng bara. O kaya naman bilang speed rap rapper, eto ung pagkakataon nilang huminga, ang problema lamang walang reaksyon ang crowd kaya nagmumukang stumble ang oras sa pagkuha sana nya nang hangin.

Dito makikita natin ang kahalagahan ng crowd sa battle rap na hindi pa kayang pag harian ni Abra sa Fliptop sa ngayon.

Comments

Popular Posts